Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang inangat Namin siya sa pamamagitan ng mga [tandang] ito subalit siya ay nahilig sa lupa at sumunod sa pithaya niya. Kaya ang paghahalintulad sa kanya ay kahalintulad ng aso: kung bubugawin mo ito ay lalawit-lawit ang dila, o kung hahayaan mo ito ay lalawit-lawit din ang dila. Iyon ang paghahalintulad sa mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Kaya isalaysay mo ang mga kasaysayan, nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kung sakaling niloob Namin ang pagpapakinabang sa kanya sa pamamagitan ng mga tandang ito ay talaga sanang inangat Namin siya sa pamamagitan ng pagtutuon sa kanya sa pagsasagawa ayon sa mga ito kaya aangat siya sa Mundo at Kabilang-buhay subalit siya ay pumili sa nagpahantong sa kanya sa kabiguan niya nang nahilig siya sa mga ninanasa sa mundo, na nakaaapekto ang buhay na pangmundo niya sa pangkabilang-buhay niya. Sinunod niya ang pinipithaya ng sarili niya na kawalang-kabuluhan, kaya ang paghahalintulad sa kanya sa katindihan ng pagkasigasig sa kamunduhan ay kahalintulad ng aso. Hindi ito tumitigil sa paglawit-lawit ng dila. Kung ito ay nakadapa, lumalawit-lawit ang dila. Kung binugaw ito, lumalawit-lawit ang dila. Ang paghahalintulad na nabanggit na iyon ay ang paghahalintulad sa mga taong naliligaw dahil sa pagpapasinungaling nila sa mga tanda Namin Kaya isalaysay mo, O Sugo, ang mga kasaysayan sa kanila, sa pag-asang mag-iisip-isip sila para mapigilan sila sa ginagawa nilang pagpapasinungaling at kaligawan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم