Sabihin mo: "O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo sa kalahatan, Siya na ukol sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Walang Diyos kundi Siya; nagbibigay-buhay Siya at bumabawi Siya ng buhay. Kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang Propeta na hindi nakababasa’t nakasusulat, na sumasampalataya kay Allāh at sa mga salita Niya, at sundin ninyo ito nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo, O Sugo: "O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo sa kalahatan, sa mga Arabe sa inyo at mga di-Arabe sa inyo. Ukol sa Kanya - tanging sa Kanya - ang paghahari sa mga langit at ukol sa Kanya ang paghahari sa lupa. Walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya - napakamaluwalhati Niya. Nagbibigay-buhay Siya sa mga patay at bumabawi Siya ng buhay ng mga buhay. Kaya sumampalataya kayo, O mga tao, kay Allāh at sumampalataya kayo kay Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ang Sugo Niya, ang Propeta na hindi nakababasa at hindi nakasusulat, na naghatid lamang ng isang pagsisiwalat na isiniwalat sa kanya ng Panginoon niya, na sumasampalataya kay Allāh at sumampalataya sa ibinaba sa kanya, at sa ibinaba sa mga propeta kabilang sa nauna sa kanya nang walang pagtatangi. Sundin ninyo siya sa inihatid niya mula sa Panginoon niya, sa pag-asang mapapatnubayan kayo tungo sa nagtataglay ng mga kapakanan ninyo sa Mundo at Kabilang-buhay."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم