Bagkus sinabi nila: "Mga pagkakalahuk-lahok ng maling panaginip [ito], bagkus ginawa-gawa niya ito, bagkus siya ay isang manunula, kaya magdala siya sa atin ng isang tanda gaya ng sa isinugo sa mga sinauna."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Bagkus nag-atubili sila sa kaugnay sa ihinatid ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - kaya minsan ay nagsabi sila: "Mga maling panaginip nagkahalu-halong walang pagpapakahulugan dito." Minsan ay nagsabi sila: "Hindi, bagkus nilikha-likha niya ito nang wala ritong pinagmulan." Nagsabi pa sila minsan: "Siya ay isang manunula; at kung siya ay naging tapat sa pag-aangkin niya, maghatid siya sa atin ng isang himala gaya ng sa mga sinaunang mga sugo sapagkat naghatid sila ng mga himala, tulad ng tungkod ni Moises at dumalagang kamelyo ni Ṣāliḥ."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم