Kaya tinanggap ito ng Panginoon nito sa isang pagtanggap na maganda, hinubog Niya ito sa isang paghubog na maganda, at ipinataguyod Niya ito kay Zacaria. Sa tuwing pumapasok sa kinaroroonan nito si Zacaria sa sambahan, nakatatagpo siya sa piling nito ng isang panustos. Nagsabi Siya: "O Maria, paanong mayroon ka nito?" Nagsabi ito: "Ito ay mula sa ganang kay Allāh. Tunay na si Allāh ay nagtutustos sa sinumang niloloob Niya nang walang pagtutuos."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya tinanggap ni Allāh ang panata niyon sa isang pagtanggap na maganda at pinalaki Niya sa Maria sa isang pagpapalaking maganda. Nahalina rito ang mga puso ng mga maayos kabilang sa mga lingkod Niya. Itinalaga Niya ang pagtataguyod dito kay Zacaria - sumakanya ang pangangalaga. Si Zacaria noon, sa tuwing pumapasok sa kinaroroonan ni Maria sa lugar ng pagsamba, ay nakatatagpo sa piling nito ng isang panustos na kaaya-ayang ipinagkakaloob kaya nagsabi siya habang kumakausap dito: "O Maria, mula saan nagkaroon ka ng panustos na ito?" Nagsabi ito habang sumasagot sa kanya: "Ang panustos na ito ay mula sa ganang kay Allāh. Tunay na si Allāh ay nagtutustos sa sinumang niloloob Niya ng panustos na masagana nang walang pagtutuos."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم