Walang ukol sa iyo mula sa pagpapasya na anuman: na tumanggap Siya ng pagbabalik-loob sa kanila o magparusa Siya sa kanila sapagkat tunay na sila ay mga tagalabag sa katarungan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Noong dumalangin ang Sugo laban sa mga pinuno ng mga tagatambal ng kasawian matapos ng naganap sa kanila sa Uḥud ay nagsabi si Allāh sa kanya: "Walang ukol sa iyo mula sa pagpapasya nila na anuman." Bagkus ang usapin ay ukol kay Allāh, kaya magtiis ka hanggang sa humatol si Allāh sa pagitan ninyo o magtuon Siya sa kanila sa pagbabalik-loob para yumakap sila sa Islām, o magpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya nila kaya pagdurusahin Niya sila sapagkat tunay na sila ay mga tagalabag sa katarungan, na mga karapat-dapat sa pagdurusa.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم