Tunay na ang paghahalintulad kay Jesus sa ganang kay Allāh ay gaya ng paghahalintulad kay Adan; lumikha Siya rito mula sa alabok, pagkatapos ay nagsabi Siya rito: "Mangyari," at nangyari ito.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Tunay na ang paghahalintulad sa pagkalikha kay Jesus - sumakanya ang pangangalaga - sa ganang kay Allāh ay gaya ng paghahalintulad sa pagkalikha kay Adan mula sa alabok, nang walang ama ni ina. Nagsabi lamang si Allāh dito: "Maging isang tao ka," at nangyari ito gaya ng ninais Niya - pagkataas-taas Siya. Kaya papaanong nag-aakala sila na si Jesus ay isang diyos dahil sa katwirang ito ay nilikha nang walang ama samantalang sila ay umaamin naman na si Adan ay isang tao gayong ito ay nilikha nang walang ama ni ina?
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم