Kaya dahil nga sa awa mula kay Allāh ay nagbanayad ka sa kanila. Kung sakaling ikaw ay naging isang mabagsik na magaspang ang puso ay talaga sanang nabuwag sila mula sa paligid mo. Kaya magpaumanhin ka sa kanila, humingi ka ng tawad para sa kanila at makipagsanggunian ka sa kanila sa usapin. Kaya kapag nagtika ka ay manalig ka kay Allāh; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nananalig.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya dahilan sa isang dakilang awa mula kay Allāh, ang kaasalan mo, o Propeta, ay naging banayad sa mga Kasamahan mo. Kung sakaling ikaw ay naging isang mabalasik sa sinasabi mo at ginagawa mo, na matigas ang puso, ay talaga sanang nagkahiwa-hiwalay sila palayo sa iyo. Kaya magpalampas ka sa kanila sa pagkukulang nila sa karapatan mo, humingi ka para sa kanila ng kapatawaran, at humingi ka ng opinyon nila sa nangangailangan ng isang pagsangguni. Kaya kapag pinagtibay mo ang pasya mo sa isang usapin matapos ng pakikipagsanggunian, magpatupad ka nito at manalig ka kay Allāh; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nananalig sa Kanya kaya nagtutuon Siya sa kanila at nag-aayuda Siya sa kanila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم