Kung mag-aadya sa inyo si Allāh ay walang dadaig sa inyo. Kung magtatatwa Siya sa inyo ay sino itong mag-aadya sa inyo matapos Niya? Kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kung mag-aayuda sa inyo si Allāh sa pamamagitan ng pagtulong Niya at pag-aadya Niya ay walang isang dadaig sa inyo kahit pa magkaisa laban sa inyo ang mga naninirahan sa lupa. Kapag iniwan Niya ang pag-aadya sa inyo at ipinagkatiwala Niya kayo sa mga sarili ninyo, walang isang makakakaya na mag-adya sa inyo matapos Niya sapagkat ang pag-aadya ay nasa kamay Niya - tanging sa Kanya. Kay Allāh ay umasa ang mga mananampalataya, hindi sa isang iba pa sa Kanya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم