[Banggitin] noong gumawa si Allāh ng kasunduan sa mga propeta, [na nagsasaad]: "Talagang ang anumang ibinigay Ko sa inyo na kasulatan at karunungan, pagkatapos ay may dumating sa inyo na isang Sugo na tagapatotoo sa taglay ninyo, ay talagang sasampalataya nga kayo rito at talagang mag-aadya nga kayo rito." Nagsabi Siya: "Kumilala ba kayo at tumanggap ba kayo kaugnay roon sa kasunduan sa Akin?" Nagsabi sila: "Kumilala kami." Nagsabi Siya: "Kaya sumaksi kayo, at Ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagasaksi."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Banggitin mo, o Sugo, nang tumanggap si Allāh ng tipang binigyang-diin sa mga propeta, na nagsasabi sa kanila: "Ang anumang ibinigay Ko sa inyo na kasulatang pabababain Ko sa inyo at karunungang ituturo Ko sa inyo at umaabot ang isa sa inyo sa anumang naabot nito na kalagayan at antas, pagkatapos ay may dumating sa inyo na isang Sugo mula sa ganang Akin, na si Muḥammad - ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya - na isang tagapatotoo sa taglay ninyo na kasulatan at karunungan, ay talagang sasampalataya nga kayo sa dinala niya at talagang mag-aadya nga kayo sa kanya habang mga sumusunod sa kanya. Kaya kumilala ba kayo, o mga propeta, roon at tumanggap ba kayo kaugnay roon sa tipan Kong mahigpit?" Kaya sumagot sila, na mga nagsasabi: "Kumilala kami niyon." Nagsabi si Allāh: "Sumaksi kayo sa mga sarili ninyo at sa mga kalipunan ninyo, at Ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagasaksi sa inyo at sa kanila."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم