Itinatak sa kanila ang kaabahan saanman sila nasumpungan malibang nasa isang kasunduan mula kay Allāh at isang kasunduan mula sa mga tao. Bumalik sila na may galit mula kay Allāh at itinatak sa kanila ang karukhaan. Iyon ay dahil sila noon ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh at pumapatay sa mga propeta nang walang karapatan. Iyon ay dahil sumuway sila at sila noon ay lumalabag.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Inilagay ang kalaitan at ang kaabahan na nakapaligid sa mga Hudyo, na sumasaklaw sa kanila saanman sila matagpuan kaya hindi sila natitiwasay malibang may isang tipan o isang katiwasayan mula kay Allāh - pagkataas-taas Siya - o mula sa mga tao. Nanumbalik sila na may galit mula kay Allāh at inilagay sa kanila ang karalitaan at ang kadahupan na nakapaligid sa kanila. Ang inilagay na iyon sa kanila ay dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa mga tanda ni Allāh at pagpatay nila sa mga propeta Niya dala ng kawalang-katarungan. Iyon - din - ay dahilan sa pagsuway nila at paglampas nila sa mga hangganan ni Allāh.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم