Hindi ba sila tumingin sa mga ibon habang mga pinagsisilbi sa himpapawid ng langit? Walang humahawak sa mga ito kundi si Allāh. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Hindi ba nagmamasid ang mga tagapagtambal sa mga ibon habang mga pinasunud-sunuran at mga naihanda sa paglipad sa hangin dahil sa ipinagkaloob sa mga ito ni Allāh na mga pakpak at kanipisan sa hangin? Ipinahiwatig Niya ang pagtiklop sa mga pakpak ng mga ito at ang pagladlad sa mga ito. Walang humahawak sa mga ito sa hangin laban sa pagkalaglag kundi si Allāh, ang Nakakakaya. Tunay na sa pagpapasunud-sunuran at paghawak na iyon ay talagang may mga katunayan para sa mga taong sumasampalataya kay Allāh dahil sila ang nakikinabang sa mga katunayan at mga isinasaalang-alang.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم