Huwag kayong magpalit sa tipan kay Allāh, sa isang halagang kaunti. Tunay na ang nasa ganang kay Allāh ay pinakamabuti para sa inyo, kung nangyaring kayo ay nakaaalam.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Huwag ninyong ipagpalit ang tipan kay Allāh sa isang panumbas na kaunti dahil sa pagkalas ninyo sa tipan at pag-iwan ninyo sa pagtupad nito. Tunay na ang nasa ganang kay Allāh na pag-aadya at mga samsam sa digmaan sa Mundo, at ang nasa ganang Kanya na kaalwanang mamamalagi sa Kabilang-buhay ay pinakamabuti para sa inyo kaysa sa anumang natatamo ninyo na isang panumbas na kaunti dahil sa pagkalas ninyo sa tipan, kung nangyaring kayo ay nakaaalam niyon.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم