Naglahad si Allāh ng isang paghahalimbawa sa isang aliping pinagmamay-ari na hindi nakakakaya ng anuman at isang tinustusan Namin mula sa Amin ng isang panustos na maganda kaya siya ay gumugugol mula roon nang palihim at hayagan. Nagkakapantay ba sila? Ang papuri ay ukol kay Allāh. Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Naglahad si Allāh - napakamaluwalhati Niya - ng isang paghahalimbawa para sa pagtugon sa mga tagapagtambal: "May isang aliping pinagmamay-ari na walang-kakayahan sa pagsasagawa, na walang naigugugol; at isang malayang binigyan Namin mula sa taglay Namin, ng isang yamang ipinahihintulot, na nakapagsagawa siya rito ng anumang niloloob niya kaya siya ay nagkakaloob mula rito sa patago at hayag ng anumang niloloob niya; kaya naman hindi nagkakapantay ang dalawang taong ito. Kaya papaano silang nagpapantay sa pagitan ni Allāh, ang tagapagmay-ari at ang tagapagsagawa sa kaharian Niya ng anumang niloloob Niya, at ng mga rebulto ninyong walang-kakayahan? Ang pagbubunyi ay ukol kay Allāh, ang karapat-dapat sa pagbubunyi. Bagkus ang higit na marami sa mga tagapagtambal ay hindi nakaaalam sa pamumukod-tangi ni Allāh sa pagkadiyos at pagiging karapat-dapat na sambahin Siya - tanging Siya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم