[Banggitin] ang araw na bumaba ang bawat kaluluwa na makikipagtalo para sa sarili nito, tutumbasan ang bawat kaluluwa sa anumang ginawa nito, at hindi sila lalabagin sa katarungan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na pupunta ang bawat tao na mangangatwiran para sa sarili nito nang hindi mangangatwiran para sa iba rito dahil sa bigat ng katayuan, tutumbasan ang bawat kaluluwa bilang ganti sa anumang ginawa nito na kabutihan at kasamaan, at hindi sila lalabagin sa katarungan sa pamamagitan ng pagbawas sa mga magandang gawa nila ni sa pamamagitan ng pagdagdag sa masagwang gawa nila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم