Magsasabi ang mga iyon na [sila ay] tatlo, na ang ikaapat sa kanila ay ang aso nila; at magsasabi pa ang mga iyon na [sila ay] lima na, ang ikaanim sa kanila ay ang aso nila – bilang isang panghuhula sa lingid. Magsasabi ang mga iyon na [sila ay] pito, na ang ikawalo sa kanila ay ang aso nila. Sabihin mo: "Ang Panginoon ko ay higit na nakaaalam sa bilang nila; walang nakaaalam sa kanila kundi kakaunti. Kaya huwag kayong makipangatwiran hinggil sa kanila malibang ayon sa pakikipangatwirang hayag at huwag kayong mag-usisa hinggil sa kanila mula sa mga iyon sa isa man."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Magsasabi ang mga tagapagtalakay sa kasaysayan nila tungkol sa bilang nila: "Sila ay tatlo, na ang ikaapat sa kanila ay ang aso nila." Magsasabi naman ang iba sa mga iyon: "Sila ay lima, na ang ikaanim sa kanila ay ang aso nila." Ang kapwa pangkatin ay nagsabi lamang ng sinabi nito bilang pagsunod sa akala nila nang walang patunay. Magsasabi pa ang iba sa mga iyon: "Sila ay pito, na ang ikawalo sa kanila ay ang aso nila." Sabihin mo, O Sugo: "Ang Panginoon ko ay higit na nakaaalam sa bilang nila; walang nakaaalam sa bilang nila kundi kakaunting kabilang sa tinuruan ni Allāh ng bilang nila. Kaya huwag kayong makipagtalo, hinggil sa bilang nila ni hinggil sa iba pa rito na mga kalagayan nila, sa mga May Kasulatan ni sa iba pa sa mga ito malibang ayon sa pakikipagtalong hayag na walang kalaliman doon, sa pamamagitan ng pagkakasya sa bumaba sa iyo na pagsiwalat patungkol sa kanila. Huwag kang magtanong sa isa kabilang sa mga iyon hinggil sa mga detalye patungkol sa kanila sapagkat ang mga iyon ay hindi nakaalam niyon."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم