Hindi nagkakapantay ang mga nagpapaiwan kabilang sa mga mananampalatayang walang mga taglay na kapansanan at ang mga nakikibaka sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Itinangi ni Allāh ang mga nakikibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila higit sa mga nagpapaiwan ayon sa antas. Bawat isa ay pinangakuan ni Allāh ng Pinakamaganda. Itinangi ni Allāh ang mga nakikibaka kaysa sa mga nakaupo ayon sa mabigat na gantimpala:
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Hindi nagkakapantay ang mga mananampalatayang umiiwas sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh, na walang mga taglay na mga maidadahilan gaya ng mga may-sakit at mga may-kapansanan, at ang mga nakikibaka ayon sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga yaman nila at mga sarili nila. Nagtangi si Allāh sa antas sa mga nakikibaka sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga yaman nila at mga sarili nila higit sa mga umiiwas sa pakikibaka. Ukol sa bawat isa sa mga nakikibaka at mga umiiwas sa pakikibaka dahil sa [tanggap na] maidadahilan ang pabuya niyang naging karapat-dapat siya. Nagtangi si Allāh sa mga nakikibaka higit sa mga umiiwas sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng isang gantimpalang mabigat mula sa ganang Kanya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم