Kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Talaga nga nagbilin Kami sa mga nabigyan ng Kasulatan bago pa kayo at sa inyo, na mangilag kayong magkasala kay Allāh. Kung tatanggi kayong sumampalataya, tunay na kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Laging si Allāh ay walang-pangangailangan, kapuri-puri.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sa kay Allāh - tanging sa Kanya - ang pagmamay-ari sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa, at ang pagmamay-ari sa anumang nasa pagitan ng mga ito. Talaga ngang nagtagubilin si Allāh sa mga May Kasulatan na mga Hudyo at mga Kristiyano, at nagtagubilin Siya sa inyo ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Kung tatanggi kayong sumampalataya sa tagubiling ito ay hindi kayo makapipinsala maliban sa mga sarili ninyo sapagkat si Allāh ay Walang-pangangailangan sa pagtalima ninyo sapagkat sa Kanya ang pagmamay-ari sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa. Siya ay ang Walang-pangangailangan sa lahat ng nilikha Niya, ang Pinapupurihan dahil sa lahat ng mga katangian Niya at mga gawa Niya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم