Hindi ba nila nakita na si Allāh na lumikha sa mga langit at lupa ay nakakakaya sa paglikha ng tulad nila. Gumawa Siya para sa kanila ng isang taning na walang pag-aalinlangan hinggil dito ngunit tumanggi [sa anuman] ang mga tagalabag sa katarungan maliban sa pagkawalang-pananampalataya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Hindi ba nalaman nitong mga tagapagkaila ng pagkabuhay na muli na si Allāh na lumikha sa mga langit at lupa sa kabila ng kalakihan ng mga ito ay nakakakaya sa paglikha ng tulad nila sapagkat ang sinumang nakakaya sa paglikha ng isang malaki ay nakakakaya sa paglikha ng maliit pa rito. Gumawa nga si Allāh para sa kanila sa Mundo ng isang oras na tinakdaan na magwawakas doon ang buhay nila at gumawa Siya para sa kanila ng isang taning para sa pagbubuhay muli sa kanila, na walang pagdududa hinggil doon. Sa kabila ng paglitaw ng mga patunay ng pagkabuhay muli, tumanggi [sa anuman] ang mga tagapagtambal maliban sa pagkakaila sa pagkabuhay muli sa kabila ng kaliwanagan ng mga patunay rito.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم