Sabihin mo: "Sumampalataya kayo sa [Qur’ān na] ito o huwag kayong sumampalataya." Tunay na ang mga binigyan ng kaalaman bago nito, kapag binibigkas ito sa kanila, ay nagsusubsob [sila] ng mga mukha, na mga nakapatirapa
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo, O Sugo: "Sumampalataya kayo sa [Qur’ān na] ito ngunit hindi nakadaragdag dito ang pananampalataya ninyo ng anuman o huwag kayong sumampalataya rito ngunit hindi nakababawas dito ang kawalang-pananampalataya ninyo ng anuman." Tunay na ang mga bumasa ng mga naunang kasulatang makalangit at nakakilala sa pagsiwalat at pagkapropeta, kapag binibigkas sa kanila ang Qur'ān, ay nagsusubsob ng mga mukha nila habang mga nakapatirapa kay Allāh bilang pasasalamat.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم