O mga sumampalataya, tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo at sa mga may kapamahalaan sa inyo. Kaya kung naghidwaan kayo sa isang bagay ay sumangguni kayo kay Allāh at sa Sugo, kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Iyon ay higit na mabuti at higit na maganda pagpapahantong.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo, tumalima kayo kay Allāh, tumalima kayo sa Sugo Niya sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya at pag-iwas sa sinaway Niya, at tumalima kayo sa mga may kapamahalaan sa inyo hanggat hindi sila nag-uutos ng pagsuway. Kaya kung nagkaiba-iba kayo sa isang bagay ay bumatay kayo hinggil dito sa Aklat ni Allāh at Sunnah ng Propeta Niya - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Ang pagbatay na iyon sa Qur'ān at Sunnah ay higit na mainam kaysa sa pagpapatuloy sa pagkakaiba-iba at pagsasabi batay sa pananaw, at higit na magaling sa kahihinatnan para sa inyo.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم