Walang mabuti sa madalas na lihim na pag-uusap nila, maliban sa sinumang nag-utos ng kawanggawa o nakabubuti o pagpapakasundo sa pagitan ng mga tao. Ang sinumang gumagawa niyon dala ng paghahangad ng lugod ni Allāh ay bibigyan siya ng kabayarang mabigat.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Walang mabuti sa maraming pag-uusap na inililihim ng mga tao at walang pakinabang mula rito, maliban kung ang pag-uusap nila ay isang pag-uutos sa isang pagkakawanggawa o isang nakabubuting inihatid ng batas ng Islām at pinatunayan ng isip o isang paanyaya sa pagsasaayos sa pagitan ng mga nagsisigalutan. Ang sinumang gumagawa niyon dala ng paghahanap ng pagkalugod ni Allāh ay bibigyan siya ng isang gantimpalang sukdulan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم