Huwag kayong panghinaan sa pagtugis sa mga tao [na kaaway na]. Kung kayo ay nasasaktan, tunay na sila ay nasasaktan kung paanong kayo ay nasasaktan, Naasahan ninyo mula kay Allāh ang hindi nila naasahan. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Huwag kayong manghina, o mga mananampalataya, at huwag kayong tamarin sa paghanap sa kaaway ninyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya. Kung kayo ay nasasaktan sa tumama sa inyo na pagpatay at pagkasugat, tunay na sila ay gayon din: nasasaktan sila kung paanong nasasaktan kayo at dumadapo sa kanila ang tulad ng dumadapo sa inyo. Kaya ang pagtitiis nila ay huwag maging higit na malaki kaysa sa pagtitiis ninyo sapagkat tunay na kayo ay nakaaasa mula kay Allāh ng gantimpala, pag-aadya, at pag-aayuda, na hindi sila makaaasa. Laging si Allāh ay Maalam sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya, Marunong sa pangangasiwa Niya at pagbabatas Niya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم