Huwag kayong pumatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan. Ang sinumang napatay nang nalalabag sa katarungan ay nagtalaga nga Kami para sa katangkilik nito ng kapangyarihan ngunit huwag itong magmalabis kaugnay sa pagpatay. Tunay na siya ay laging maiaadya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Huwag kayong pumatay ng taong pinangalagaan ni Allāh ang buhay nito sa pamamagitan ng pananampalataya o katiwasayan malibang naging karapat-dapat ito sa pagpatay dahil sa panunumbalik sa kawalang-pananampalataya o dahil sa pangangalunya matapos na makapag-asawa o dahil sa ganting-pinsala. Ang sinumang napatay nang nalalabag sa katarungan nang walang kadahilanang pumapayag sa pagpatay rito ay nagtalaga nga kami para sa sinumang tumatangkilik sa kapakanan nito at sinumang nagmamana rito ng pangingibabaw laban sa pumatay rito. Kaya karapatan niya na humiling ng pagpatay sa pumatay bilang ganting-pinsala, o karapatan niya ang magpaumanhin nang walang kapalit, o karapatan niya ang magpaumanhin at kumuha ng bayad-pinsala ngunit huwag siyang lumampas sa hangganan na ipinahintulot ni Allāh para sa kanya. Ipinagbabawal ang pagluray-luray sa pumatay o ang pagpatay sa pumatay dahil sa hindi nito pinatay o ang pagpatay ng iba pa sa pumatay. Tunay na ang katangkilik ng napatay ay laging aalalayan at tutulungan
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم