Bagkus ang sinumang nagsuko ng mukha niya kay Allāh, habang siya ay gumagawa ng maganda, ay ukol sa kanya ang pabuya sa kanya sa ganang Panginoon niya. Walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Papasok lamang sa Paraiso ang bawat nagpakawagas kay Allāh habang bumabaling sa Kanya samantalang siya - kalakip ng pagpapakawagas niya - ay nagpapakahusay sa pagsamba niya sa pamamagitan ng pagsunod sa dinala ng Sugo. Iyan ay ang papasok sa Paraiso kabilang man siya sa aling pangkat noon. Ukol sa kanya ang gantimpala sa kanya sa ganang Panginoon niya. Walang takot sa kanila sa anumang kahaharapin nila mula sa Kabilang-buhay ni sila ay malulungkot sa nakaalpas dahil sa kanila sa Mundo. Ito ay mga paglalarawang hindi nagkakatotoo matapos ng pagdating ni Propeta Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - maliban sa mga Muslim.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم