Kapag sumaling sa tao ang kapinsalaan ay dumadalangin siya sa Amin [habang nakahiga] sa tagiliran niya o nakaupo o nakatayo. Ngunit noong pumawi Kami sa kanya ng kapinsalaan sa kanya ay nagpatuloy siya na para bang hindi siya dumalangin sa Amin [ng pag-alis] sa kapinsalaang sumaling sa kanya. Ganyan pinaganda para sa mga tagapagmalabis ang ginagawa nila noon.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kapag dumapo sa taong tagapagmalabis sa sarili niya ang isang karamdaman o ang isang kasagwaan ng kalagayan ay dumadalangin siya sa Amin habang nagpapakaabang nagsusumamo habang nakahiga sa tagiliran niya o nakaupo o nakatayo, sa pag-asang papawiin ang taglay niyang kapinsalaan. Ngunit noong tinugon Namin ang panalangin niya at inalis Namin ang taglay niyang kapinsalaan ay nagpatuloy siya sa kung ano ang dating nasa kanya na para bang hindi siya dumalangin sa Amin ng pagpawi sa kapinsalaang dumapo sa kanya. Kung paanong pinaganda para sa umaayaw na ito ang pagpapatuloy sa pagkaligaw niya, pinaganda sa mga lumalampas sa mga hangganan dahil sa kawalang-pananampalataya nila ang ginagawa nila noong kawalang-pananampalataya at mga pagsuway kaya hindi nila naiiwanan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم