[Banggitin] noong tumanggap Kami ng kasunduan sa inyo at nag-angat Kami sa ibabaw ninyo ng bundok, [na nagsasabi]: "Tanggapin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo nang may lakas at makinig kayo." Nagsabi sila: "Nakarinig kami at sumuway kami." Pinahumaling sila sa mga puso nila ng [pagsamba sa] guya dahil sa kawalang-pananampalataya nila. Sabihin mo: "Kay saklap ng ipinag-uutos sa inyo ng pananampalataya ninyo, kung kayo ay mga mananampalataya."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Banggitin ninyo noong tumanggap Kami sa inyo ng isang tipang binigyang-diin sa pamamagitan ng pagsunod kay Moises - sumakanya ang pangangalaga - at ng pagtanggap sa dinala niya mula sa ganang kay Allāh at nag-angat Kami sa ibabaw ninyo ng bundok bilang pagpapangamba sa inyo, at nagsabi kami sa inyo: "Tanggapin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo na Torah nang may pagsisikhay at pagsisikap at makinig kayo nang pakikinig ng pagtanggap at pagpapaakay at kung hindi ay ibabagsak Namin ang bundok sa inyo. Nagsabi kayo: "Nakarinig kami sa pamamagitan ng mga tainga namin at sumuway kami sa pamamagitan ng mga gawa namin." Nanaig ang pagsamba sa guya sa mga puso nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila. Sabihin mo, o Propeta: "Kay saklap ng ipinag-uutos sa inyo ng pananampalatayang ito na kawalang-pananampalataya kay Allāh kung kayo ay mga mánanampalataya dahil ang pananampalatayang totoo ay hindi mangyayaring may kasama itong kawalang-pananampalataya."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم