Ang mga sugong iyon ay nagtangi Kami sa iba sa kanila higit sa iba kabilang sa kanila. Mayroon sa kanila na kinausap ni Allāh. Nag-angat Siya sa iba sa kanila sa mga antas. Nagbigay kay Jesus na anak ni Maria ng malilinaw na patunay at umalalay sa kanya sa pamamagitan ng Espiritu ng Kabanalan. Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana naglaban-laban ang mga kabilang sa matapos sa kanila noong matapos na dumating sa kanila ang malilinaw na patunay; subalit nagkaiba-iba sila sapagkat mayroon sa kanila na sumampalataya at mayroon sa kanila na tumangging sumampalataya. Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana sila naglaban-laban; subalit si Allāh ay gumagawa ng anumang ninanais Niya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang mga sugong iyon na binanggit Namin sa iyo ay nagtangi Kami sa iba sa kanila higit sa iba sa kanila sa pagkasi, mga tagasunod, at mga antas. Mayroon sa kanila na kinausap ni Allāh tulad ni Jesus - sumakanya ang pangangalaga. Mayroon sa kanila na inangat Niya sa ilang mga antas na mataas tulad ni Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - yayamang isinugo siya sa mga tao sa kabuuan nila, winakasan sa kanya ang pagkapropeta, at itinangi ang Kalipunan niya higit sa mga ibang kalipunan. Nagbigay kay Jesus na anak ni Maria ng mga himalang maliwanag na nagpapatunay sa pagkapropeta niya gaya ng pagbibigay-buhay sa mga patay at pagpapagaling sa ipinanganak na bulag at ketungin. Nag-alalay sa kanya sa pamamagitan ni Anghel Gabriel - sumakanya ang pangangalaga - bilang pagpapalakas sa kanya sa pagsasagawa sa utos ni Allāh - pagkataas-taas Siya. Kung sakaling niloob ni Allāh, hindi sana naglaban-laban ang mga dumating matapos ng mga sugo matapos na dumating sa kanila ang mga maliwanag na tanda; subalit nagkaiba-iba sila at nagkahati-hati sila sapagkat mayroon sa kanila na sumampalataya kay Allāh at mayroon sa kanila na tumangging sumampalataya sa Kanya. Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi sila mag-away-away ay hindi sana sila nag-away-away; subalit si Allāh ay gumagawa ng anumang ninanais Niya sapagkat nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya tungo sa pananampalataya sa pamamagitan ng awa Niya at kabutihang-loob Niya at nagpapaligaw Siya sa sinumang niloloob Niya sa pamamagitan ng katarungan Niya at karunungan Niya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم