Kapag nagdiborsiyo kayo ng mga maybahay at umabot sila sa taning [ng paghihintay] nila ay magpanatili kayo sa kanila ayon sa nakabubuti o magpalaya kayo sa kanila ayon sa nakabubuti. Huwag kayong magpanatili sa kanila bilang pamiminsala para makalabag kayo. Ang sinumang gumagawa niyon ay lumabag nga sa katarungan sa sarili sarili. Huwag kayong gumawa sa mga tanda ni Allāh bilang kinukutya. Umalaala kayo sa biyaya ni Allāh sa inyo at pinababa Niya sa inyo na Aklat at Karunungan. Nangangaral Siya sa inyo nito. Mangilag kayong magkasala kay Allāh at alamin ninyo na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kapag nagdiborsiyo kayo ng mga maybahay ninyo at nalapit sila sa pagwawakas ng `iddah nila, nasa inyo na kung manunumbalik kayo sa kanila o iiwan ninyo sila ayon sa nakabubuti nang walang balikan hanggang sa matapos ang `iddah nila. Huwag kayong manumbalik sa kanila alang-alang sa paglabag sa kanila at pamiminsala sa kanila gaya ng ginagawa noon sa Panahon ng Kamangmangan. Ang sinumang gumagawa niyon nang may layon ng pamiminsala sa kanila ay lumabag nga sa katarungan sa sarili niya sa pamamagitan ng pagsalang nito sa kasalanan at kaparusahan. Huwag kayong gumawa sa mga tanda ni Allāh bilang tampulan ng pangungutya sa pamamagitan ng paglalaru-laro sa mga ito at paglalakas-loob laban sa mga ito. Umalaala kayo sa mga biyaya ni Allāh sa inyo. Kabilang sa pinakadakila sa mga ito ang pinababa Niya sa inyo na Qur'ān at Sunnah, na nagpapaalaala Siya sa inyo sa pamamagitan nito bilang pagpapaibig para sa inyo at pagpapasindak. Mangamba kayo kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Alamin ninyo na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam kaya walang naikukubli sa Kanya na anuman at gaganti sa inyo sa mga gawa ninyo.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم