Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pumipigil sa mga masjid ni Allāh na banggitin sa mga ito ang pangalan Niya at nagpunyagi sa pagsira sa mga ito. Ang mga iyon ay hindi ukol sa kanilang pumasok sa mga ito malibang mga nangangamba. Ukol sa kanila sa Mundo ay kadustaan at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang sukdulan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Walang isang higit na matindi sa kawalang-katarungan kaysa sa pumipigil na bigkasin ang pangalan ni Allāh sa mga masjid Niya. Pumipigil ito sa pagdarasal, pag-alaala [kay Allāh], at pagbigkas ng Qur'ān sa mga masjid. Nagsikap ito habang nagpupunyagi at ikinadadahilan ng pagkasira ng mga ito at pagtitiwali sa mga ito sa pamamagitan ng pagwasak sa mga ito at pagpigil sa pagsasagawa ng pagsamba sa loob ng mga ito. Ang mga nagsisikap na iyon sa pagsira sa mga ito ay hindi nararapat para sa kanila na pumasok sa mga masjid ni Allāh malibang mga nangangambang kumakabog ang mga puso nila dahil sa taglay nilang kawalang-pananampalataya at pagbalakid sa mga masjid ni Allāh. Ukol sa kanila sa buhay na pangmundo ay pagkahamak at kaabahan sa mga kamay ng mga mananampalataya, at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang sukdulan dahil sa pagpigil nila sa mga tao sa mga masjid ni Allāh.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم