Kung nagdiborsiyo kayo sa kanila bago kayo sumaling sa kanila at nagsatungkulin na kayo para sa kanila ng isang tungkulin, ang kalahati ng isinatungkulin ninyo [ang ibibigay] maliban na magpaubaya sila o magpaubaya ang nasa kamay niya ang kasunduan ng kasal. Ang magpaubaya kayo ay higit na malapit sa pangingilag magkasala. Huwag kayong lumimot sa kabutihang-loob sa pagitan ninyo. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kung nagdiborsiyo kayo sa mga maybahay ninyong pinakasalan ninyo, bago ng pakikipagtalik sa kanila at nagsatungkulin na kayo para sa kanila ng isang itinakdang bigay-kaya, isinasatungkulin sa inyo ang pagbabayad ng kalahati ng bigay-kayang binanggit sa kanila, maliban na magpaalwan sila sa inyo para roon, kung sila ay mga matinong babae, o magpaalwan ang mga asawa mismo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng bigay-kaya nang buo para sa kanila. Ang magpaalwanan kayo sa mga karapatan sa pagitan ninyo ay higit na malapit sa pagkatakot kay Allāh at pagtalima sa Kanya. Huwag kayong tumigil, o mga tao, sa pagmamabuting-loob sa isa't isa sa inyo at ang pagpapaalwan sa mga karapatan. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita kaya magpunyagi kayo sa pagkakaloob ng nakabubuti upang magtamo kayo ng gantimpala ni Allāh doon.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم