Nagtagubilin niyon si Abraham sa mga anak niya, at si Jacob: "O mga anak ko, tunay na si Allāh ay humirang para sa inyo ng relihiyon kaya huwag nga kayong mamamatay malibang habang kayo ay mga tagapasakop [sa Kanya]."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagtagubilin si Abraham sa mga anak niya ng pangungusap na ito: "Nagpasakop ako sa Panginoon ng mga nilalang." Nagtagubilin nito gayon din si Jacob sa mga anak niya. Nagsabi silang dalawa habang mga nanawagan sa mga anak nilang dalawa: "Tunay na si Allāh ay pumili para sa inyo ng relihiyong Islām kaya kumapit kayo rito hanggang sa dumating sa inyo ang kamatayan habang kayo ay mga tagapasakop (Muslim) kay Allāh nang hayagan at pakubli."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم