Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Sabihin mo: "Nagsaalang-alang ba kayo sa dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh? Kung nagnais sa akin si Allāh ng isang pinsala, sila ba ay makapag-aalis ng pinsala Niya? O kung nagnais Siya sa akin ng awa, sila ba ay makapipigil ng awa Niya?" Sabihin mo: Nakasapat sa akin si Allāh. Sa Kanya nananalig ang mga nananalig."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Talagang kung nagtanong ka, O Sugo, sa mga tagatambal na ito kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga silang lumikha sa mga ito si Allāh. Sabihin mo bilang paglalantad sa kawalang-kakayahan ng mga diyos nila: "Magpabatid kayo sa akin tungkol sa mga anitong ito na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh? Kung nagnais si Allāh na magpatama sa akin ng isang pinsala, makapagsasagawa ba sila ng pag-aalis ng pinsala Niya sa akin? O kung nagnais sa akin ang Panginoon ko ng awa mula sa Kanya, sila ba ay makakakaya sa pagkakait ng awa Niya sa akin?" Sabihin mo sa kanila: "Sapat sa akin si Allāh - tanging Siya. Sa Kanya ako umaasa sa mga kapakanan ko sa kabuuan ng mga ito at sa Kanya - tanging sa Kanya - umaasa ang mga nananalig."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم