Kabilang sa mga tanda Niya ang pagtulog ninyo sa gabi at maghapon at ang paghahanap ninyo ng kabutihang-loob Niya. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong dumidinig.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kabilang sa mga dakilang tanda Niya na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ang tulog ninyo sa gabi at ang pagtulog ninyo sa maghapon upang magpahinga mula sa hirap ng mga gawain ninyo. Kabilang sa mga tanda Niya ay na ginawa Niya para sa inyo ang maghapon upang magsikalat kayo roon habang mga naghahanap ng panustos mula sa Panginoon ninyo. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may mga patotoo at mga katunayan para sa mga taong dumidinig ayon sa pagdinig ng pagbubulay-bulay at pagdinig ng pagtanggap.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم