Sa mga puso nila ba ay may karamdaman, o nag-alinlangan sila, o nangangamba sila na kumiling si Allāh laban sa kanila at ang Sugo Niya? Bagkus ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sa mga puso ng mga ito ba ay may karamdamang nakakapit sa mga ito, o nagduda sila na siya ay Sugo ni Allāh, o nangangamba sila na mang-api si Allāh laban sa kanila at ang Sugo Niya sa kahatulan? Iyon ay hindi ukol sa anuman kabilang sa nabanggit. Bagkus dahil sa isang sakit sa mga sarili nila dahilan sa pag-ayaw nila sa kahatulan niya at pagmamatigas nila sa kanya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم