Nagsabi iyon: "Tunay na ako ay nagnanais na ipakasal ko sa iyo ang isa sa dalawang babaing anak ko na ito sa kundisyong magpaupa ka sa akin nang walong taon, ngunit kung lulubusin mo sa sampung [taon] ay nasa ganang iyo. Hindi ako nagnanais na magpabigat sa iyo. Matatagpuan mo ako, kung niloob ni Allāh, na kabilang sa mga maayos."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi ang ama nilang dalawa habang kumakausap kay Moises -sumakanya ang pangangalaga: "Tunay na ako ay nagnanais na ipakasal sa iyo ang isa sa dalawang babaing anak ko na ito sa kundisyong ang bigay-kaya sa kanya ay magpastol ka ng mga tupa namin nang walong taon; ngunit kung kukumpletuhin mo ang yugto sa sampung taon, ito ay isang pagmamabuting-loob mula sa iyo, na walang nag-oobliga sa iyo dahil ang kasunduan ay sa walong taon lamang naman kaya ang anumang higit doon ay pagkukusang-loob. Hindi ako nagnanais na mag-obliga sa iyo ng anumang may pabigat sa iyo. Matatagpuan mo ako, kung niloob ni Allāh, na kabilang sa mga maayos na tumutupad sa mga kasunduan at hindi nagkukulang sa mga pangako."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم