[Banggitin] noong ipinakita Niya sa inyo sila, noong nagtagpo kayo, sa mga mata ninyo bilang kaunti ngunit pinangangaunti Niya kayo sa mga mata nila upang magpatupad Siya ng isang bagay na mangyayaring gagawin. Tungo kay Allāh ibinabalik ang mga usapin.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Banggitin ninyo, O mga mananampalataya, noong ipinakikita ni Allāh na kakaunti ang mga tagapagtambal nang nakatagpo ninyo sila. Pinalakas Niya ang loob ninyo na mangahas sa pakikipaglaban sa kanila at pinangaunti Niya kayo sa mga mata nila kaya naman sumulong sila sa pakikipaglaban sa inyo at hindi nila pinag-iisipan ang pag-urong upang magpatupad si Allāh ng isang bagay na mangyayaring gagawin: ang paghihiganti sa mga tagapagtambal sa pamamagitan ng pagkapatay at pagkabihag at ang pagbiyaya sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagwawagi at pananagumpay sa mga kaaway. Tungo kay Allāh - tanging sa Kanya - ibinabalik ang mga usapin at gagantihan Niya ang gumagawa ng masagwa dahil sa paggawa nito ng masagwa at ang gumagawa ng maganda dahil sa paggawa nito ng maganda.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم