Hindi papasanin ng isang tagapasan ang pasanin ng iba. Kung may mag-aanyayang isang nabibigatan sa pagbuhat nito ay hindi bubuhat mula rito ng anuman kahit pa man nangyaring siya ay isang may ugnayang pangkaanak. Makapagbabala ka lamang sa mga natatakot sa Panginoon nila nang lingid at nagpanatili ng pagdarasal. Ang sinumang nagpakadalisay ay nagpakadalisay lamang para sa sarili niya. Sa kay Allāh ang kahahantungan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Hindi bubuhatin ng isang kaluluwang nagkakasala ang pagkakasala ng isa pang kaluluwang nagkakasala, bagkus ang bawat kaluluwang nagkakasala ay magbubuhat ng pagkakasala niya. Kung mag-aanyaya ang isang kaluluwang nabibigatan sa pagbuhat ng mga pagkakasala niya ng isang magbubuhat para sa kanya ng anuman mula sa mga pagkakasala niya, hindi bubuhatin para sa kanya ang anuman mula sa mga pagkakasala niya, kahit pa man nangyaring ang inaanyayahan ay isang malapit sa kanya. Mapangangamba mo lamang, O Sugo, sa pagdurusang dulot ni Allāh ang mga nangangamba sa Panginoon nila nang lingid at gumaganap sa pagdarasal sa pinakalubos na mga paraan nito sapagkat sila ang mga makikinabang sa pagpapangamba mo. Ang sinumang nagpakadalisay sa mga pagsuway - na ang pinakamabigat sa mga ito ay ang shirk - ay nagpakadalisay lamang para sa sarili niya dahil ang pakinabang niyon ay bumabalik sa kanya sapagkat si Allāh ay walang pangangailangan sa pagtalima niya. Sa kay Allāh ang panunumbalikan sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم