Nagpapalabas Siya ng buhay mula sa patay, nagpapalabas Siya ng patay mula sa buhay, nagbibigay-buhay Siya sa lupa matapos ng kamatayan nito. Gayon kayo palalabasin.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagpapalabas Siya ng buhay mula sa patay, tulad ng pagpapalabas Niya sa tao mula sa punlay at sa sisiw mula sa itlog; at nagpapalabas Siya ng patay mula sa buhay, tulad ng pagpapalabas Niya sa punlay mula sa tao at itlog mula sa manok. Nagbibigay-buhay Siya sa lupa matapos ng katuyuan nito sa pamamagitan ng pagpapababa ng ulan at pagpapatubo rito. Gaya ng pagbibigay-buhay sa lupa sa pamamagitan ng pagpapatubo rito, palalabasin kayo mula sa mga libingan ninyo para sa pagtutuos at pagganti.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم