Wala akong sinabi sa kanila kundi ang ipinag-utos Mo sa akin: Sambahin ninyo si Allāh, ang Panginoon ko at ang Panginoon ninyo. Ako noon sa kanila ay isang saksi hanggat nananatili ako sa piling nila; ngunit noong kinuha Mo ako, Ikaw ay ang Mapagmasid sa kanila. Ikaw sa bawat bagay ay isang saksi.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi si Hesus sa Panginoon niya: "Wala akong sinabi sa mga tao kundi ang ipinag-utos Mo sa akin sa pamamagitan ng pagsabi sa utos sa kanila na ibukod-tangi Ka sa pagsamba. Ako noon ay mapagmasid sa sinasabi nila sa yugto ng kairalan ko sa gitna nila ngunit noong winakasan Mo ang panahon ng pananatili ko sa kanila sa pamamagitan ng pag-angat sa akin sa langit nang buhay, Ikaw, O Panginoon ko, ay ang mapag-ingat sa mga gawain nila. Ikaw sa bawat bagay ay isang saksi: walang naililingid sa Iyo na anuman kaya hindi naikukubli sa Iyo ang sinabi ko sa kanila at ang sinabi nila matapos ko.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم