Isinumpa ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga anak ni Israel ayon sa dila ni David at Hesus na anak ni Maria. Iyon ay dahil sa sumuway sila at sila noon ay lumalabag.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ipinababatid ni Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - na Siya ay nagtaboy sa mga tumatangging sumampalataya kabilang sa mga anak ni Israel mula sa awa Niya ayon sa nasaad sa aklat na ibinaba Niya kay David, ang Salmo, at aklat na ibinaba Niya kay Jesus na anak ni Maria, ang Ebanghelyo. Ang pagtataboy na iyon mula sa awa ay dahilan sa nagawa nilang mga pagsuway at paglabag sa mga pinakababanal kay Allāh.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم