Ang lalaking magnanakaw at ang babaing magnanakaw ay putulin ninyo ang mga kamay nila bilang ganti sa nakamit nila, bilang isang pampigil na kaparusahan mula kay Allāh. Si Allāh ay makapangyarihan, marunong.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang lalaking magnanakaw at ang babaing magnanakaw ay putulin ninyo, o mga pinuno, ang kanang kamay ng bawat isa sa kanila bilang pagganti sa kanila, bilang kaparusahan mula kay Allāh sa nagawa nila na pagkuha sa mga ari-arian ng mga tao nang wala sa katwiran, at bilang pagpapasindak sa kanila at sa iba pa sa kanila. Si Allāh ay Makapangyarihan: hindi Siya nadadaig ng anuman, Marunong sa pagtatakda Niya at pagbabatas Niya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم