Nagsabi si Hesus na anak ni Maria: "O Allāh, Panginoon namin, magbaba Ka sa amin ng isang hapag mula sa langit, na para sa amin ay magiging isang pagdiriwang para sa una sa amin at huli sa amin at isang tanda mula sa Iyo. Tustusan Mo kami yayamang Ikaw ay pinakamainam sa mga nagtutustos."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya tumugon si Hesus sa hiling nila at dumalangin kay Allāh, na nagsasabi: "Panginoon namin, magbaba Ka sa amin ng isang hapag ng pagkain, na gagawin namin, mula sa araw ng pagbaba nito, na isang pagdiriwang na dadakilain namin bilang pasasalamat sa iyo at magiging isang tanda at patotoo sa kaisahan Mo at sa katapatan ng ipinadala No. Tustusan Mo kami ng panustos na tutulong sa amin sa pagsamba sa Iyo yayamang Ikaw, O Panginoon namin, ay pinakamainam sa mga nagtutustos."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم