O mga sumampalataya, huwag ninyong gawin bilang mga katangkilik ang mga gumawa sa relihiyon ninyo bilang isang biro at isang laro, kabilang sa mga nabigyan ng Kasulatan noong wala pa kayo at ang mga tumatangging sumampalataya. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, kung kayo ay mga mananampalataya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
O mga sumampalataya, huwag ninyong gawin ang mga nagbibiro sa relihiyon ninyo at naglalaru-laro rito mula sa mga binigyan ng kasulatan kabilang sa nauna sa inyo, sa mga Hudyo, mga Kristiyano, at mga Mushrik bilang mga kapanalig at mga hinirang. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwas sa sinaway Niya sa inyo na pakikipagtangkilik sa kanila, kung kayo ay mga mananampalataya sa Kanya at sa ibinaba Niya sa inyo.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم