[Banggitin] kapag magsasabi si Allāh: "O Hesus na anak ni Maria, alalahanin mo ang biyaya Ko sa iyo at sa ina mo noong nag-alalay Ako sa iyo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu: magsasalita ka sa mga tao habang nasa duyan pa at nasa kasapatang-gulang na; noong itinuro Ko sa iyo ang pagsulat, ang karunungan, ang Torah, at ang Ebanghelyo; noong lumilikha ka mula sa putik ng gaya ng anyo ng ibon ayon sa kapahintulutan Ko, umiihip ka rito at ito ay nagiging ibon, at nagpapagaling ka ng ipinanganak na bulag at ng ketongin ayon sa kapahintulutan Ko; noong pinalalabas mo ang mga patay ayon sa kapahintulutan Ko; at noong pinigilan Ko ang mga anak ni Israel laban sa iyo noong dinalhan mo sila ng mga malinaw na patunay at nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa kanila: Ito ay walang iba kundi isang panggagaway na malinaw."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Banggitin mo kapag magsasabi si Allāh habang nakikipag-usap kay Hesus - sumakanya ang pangangalaga: "O Hesus na anak ni Maria, banggitin mo ang biyaya Ko sa iyo nang lumikha Ako sa iyo nang walang ama at alalahanin mo ang biyaya Ko sa ina mo - sumakanya ang pangangalaga - nang humirang Ako sa kanya higit sa mga babae sa panahon niya. Kabilang sa ibiniyaya Ko sa iyo ay nang nagpalakas Ako sa iyo sa pamamagitan ni Anghel Gabriel - sumakanya ang pangangalaga :nagsasalita ka sa mga tao - habang ikaw ay isang sanggol - sa pag-aanyaya sa kanila tungo sa Akin at nagsasalita ka sa kanila sa kasapatang-gulang mo ng ipinasugo Ko sa iyo sa kanila. Kabilang sa ibiniyaya Ko sa iyo ay na itinuro Ko sa iyo ang pagsulat, itinuro Ko sa iyo ang Torah na ibinaba kay Moises - sumakanya ang pangangalaga - at ang Ebanghelyo na ibinaba sa iyo, at itinuro Ko sa iyo ang mga lihim ng Batas, mga pakinabang nito, at mga karunungan nito. Kabilang sa ibiniyaya Ko sa iyo ay na ikaw ay nagbibigay-anyo mula sa putik ng anyo ng isang ibon, pagkatapos ay umiihip ka rito at ito ay nagiging isang ibon, na ikaw ay nagpapagaling sa ipinanganak na bulag mula sa pagkabulag nito, nagpapagaling ng ketongin at ito ay nagiging magaling ang balat, at bumubuhay ng mga patay sa pamamagitan ng panalangin mo sa Akin na buhayin sila. Lahat ng iyon ay ayon sa kapahintulutan Ko. Kabilang sa ibiniyaya Ko sa iyo ay na nagtanggol Ako sa iyon sa mga anak ni Israel noong nagbalak silang patayin ka noong dinalhan mo sila ng mga himalang maliwanag ngunit walang nangyari sa kanila malibang tumanggi silang sumampalataya sa mga ito at nagsabi sila: "Walang iba itong dinala ni Hesus kundi isang panggagaway na maliwang."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم