At ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo gumugugol sa landas ni Allāh samantalang sa kay Allāh ang pagpapamana sa mga langit at lupa. Hindi nagkakapantay sa inyo ang sinumang gumugol mula ng bago ng pagsakop sa Makkah at nakipaglaban. Ang mga iyon ay higit na dakila sa antas kaysa sa mga gumugol mula ng matapos [niyon] at nakipaglaban. Sa lahat ay nangako si Allāh ng pinakamaganda. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
At aling bagay ang humahadlang sa inyo sa paggugol sa landas ni Allāh samantalang sa kay Allāh ang pagpapamana sa mga langit at lupa. Ang sinumang gumugol ng yaman niya sa landas ni Allāh sa paghahangad ng lugod ni Allāh mula ng bago ng pagsakop sa Makkah at nakipaglaban sa mga tagatangging sumampalataya para sa pag-aadya sa Islām ay hindi nakapapantay kabilang sa inyo sa sinumang gumugol matapos ng pagsakop [sa Makkah] at nakipaglaban sa mga tagatangging sumampalataya. Ang mga gumugugol mula ng bago ng pagsakop at ang mga nakikipaglabang iyon sa landas ni Allāh ay higit na dakila sa kalagayan kaysa sa mga gumugol ng mga yaman nila sa landas Niya matapos ng pagsakop sa Makkah at nakipaglaban sa mga tagatangging sumampalataya. Nangako nga si Allāh sa bawat isa sa dalawang pangkat ng Paraiso. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula sa gawa ninyo at gaganti sa inyo sa mga ito.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم