[Nagsabi si Luqmān]: "O anak ko, tunay na ito, kung naging kasimbigat ng isang buto ng mustasa at naging nasa isang bato o nasa mga langit o nasa lupa, maglalahad nito si Allāh. Tunay na si Allāh ay Nakatatalos, Nakababatid.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
[Nagsabi si Luqmān]: "O anak ko, tunay na ang masagwang gawa o ang magandang gawa, naging gaano man kaliit ito tulad ng bigat ng isang buto ng mustasa at naging nasa ilalim ng isang bato na walang nakababatid doon na isa man o nasa alinmang pook sa mga langit o sa lupa, tunay na si Allāh ay maglalahad nito sa Araw ng Pagbangon at gaganti sa tao dahil doon. Tunay na si Allāh ay Nakatatalos: walang naikukubli sa Kanya na mga kaliit-liitan ng mga bagay, Nakababatid sa mga reyalidad ng mga ito at kinalalagyan ng mga ito.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم