Ukol sa mga tumugon sa Panginoon nila ang pinakamaganda. Ang mga hindi tumugon sa Kanya, kahit pa man taglay nila ang anumang nasa lupa sa kalahatan at tulad niyon kasama niyon ay talagang ipantutubos nila ito. Ang mga iyon ay ukol sa kanila ang kasagwaan ng pagtutuos. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno. Kay saklap ang himlayan!
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ukol sa mga mananampalataya na tumugon sa Panginoon nila noong nag-anyaya Siya sa kanila sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagtalima sa Kanya ang gantimpalang pinakamaganda. Ito ay ang Paraiso. Ang mga tagatangging sumampalataya na hindi tumugon sa paanyaya Niya sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagtalima sa Kanya, kung sakaling nagkataong taglay nila ang anumang nasa lupa na mga uri ng yaman at taglay pa nila ang tulad niyon bilang pagdaragdag, ay talagang magkakaloob ng lahat ng iyon bilang pantubos sa mga sarili nila laban sa pagdurusa. Ang mga hindi tumugon na iyon sa paanyaya Niya ay tutuusin sa mga masagwang gawa nila sa kabuuan ng mga ito. Ang tahanan nilang kakanlungan nila ay Impiyerno. Kay sagwa ang higaan nila at ang tuluyan nila na siyang Impiyerno!
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم