Ang mga nagsasagawa ng dhihār sa mga maybahay nila, pagkatapos ay bumawi sila sa sinabi nila, ay pagpapalaya ng isang alipin [ang panakip-sala] bago magsalingan silang dalawa. Gayon kayo pinangangaralan. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang mga nagsasabi ng karumal-dumal na sinasabing ito, pagkatapos ay nagnanais sila ng pakikipagtalik sa pinagsagawaan nila ng dhihār sa mga iyon, kailangan sa kanila na magtakip-sala sa pamamagitan ng pagpapalaya ng isang alipin bago sila makipagtalik sa mga iyon. Ang kahatulang nabanggit na iyon ay ipinag-uutos sa inyo bilang isang pagsawata para sa inyo sa pagsasagawa ng dhihār. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم